DEPARTMENT OF EDUCATION

SCHOOLS DIVISION OF BATAAN

DEPARTMENT OF EDUCATION

SCHOOLS DIVISION OF BATAAN

Philippine Standard Time: Monday, June 17, 2024, 10:33 PM

Episode 5 – Sining ng Pag-asa (Bataan High School for the Arts)

  • Home
  • |
  • Videos
  • |
  • Episode 5 – Sining ng Pag-asa (Bataan High School for the Arts)

Mar 7, 2022

π—¦π—œπ—‘π—œπ—‘π—š π—‘π—š π—£π—”π—š-𝗔𝗦𝗔

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Sining nitong Pebrero, itatampok ng ikalimang episode ng DepEd Bataan TV ang pagdaloy ng pag-asa sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng pagtataguyod ng sining. Hindi lingid sa ating kaalaman na ginapi ng pandaigdigang peste ang pangkalahatang sektor ng sining, partikular na ang mga artista, propesyunal na manlilikha, at ng mga taong tagapag-ingat ng ating kultura. Nalagay sa alanganin hindi lamang ang kanilang hanapbuhay, bagkus ay maging ang buhay ng kasiningan ng ating lahi. Subalit ang sama-samang pagtataguyod ng mga lider ng ating pamahalaang panlalawigan at pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon sa Gitnang Luzon, at mga Dibisyon ng Bataan at Balanga, maipapagpatuloy at hindi mapapatid ang pagdaloy ng sining dahil sa pagpapatayo ng Bataan High School for the Arts (BHSA) sa bayan ng Bagac na siyang magsisilbing pandayan ng kasiningan sa ating mga kabataan. Tunghayan sa episode na ipapalabas sa Lunes, ika-7 ng Marso, ang kasaysayan at kuwento sa pagtataguyod ng sining sa pamamagitan ng BHSA kahit pa nasa kalagitnaan tayo ng giyera kontra sa sakit na Covid-19. Tunay ngang ang sining ay mananatiling pag-asa sa kabila ng lahat dahil ito ang sandalan ng ating mga talentadong kabataan at siya ring sandigan sa pagsusulong na ating pambansang kaakuhan. #WeMouldHeroesStories #DepEdBataanTV #DepEdBataan #BataanHighSchoolForTheArts #BuwanNgSining

Skip to content